12 Vietnamese sa illegal fishing kakasuhan na

IKINAKASA na ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kasong ihahain laban sa 12 Vietnamese na nahuling iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Bongao, Tawi-Tawi.

Bukod sa kasong kriminal, kakasuhan din ng paglabag sa Fisheries Code at Wildlife Act ang mga banyaga na may multa na hanggang P1 milyon o kaya’y parusang kulong.

Ang 12 banyaga ay inaresto ng pinagsanib na puwersa ng BFAR at PCG at nakuha sa mga ito ang 50 patay na pawikan, lapu-lapu, isdang mameng at itim na corals.

Samantala, ang mga patay na pawikan ay balak i-donate ng BFAR sa mga paaralan para mapag-aralan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply