13 patay, 50 sugatan sa Semana Santa

NAKAPAGTALA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 13 katao na namatay sa loob ng panahon sa paggunita sa Semana Santa, bukod pa sa 50 katao na nasugatan sa naganap na iba’t ibang sakuna, sa ulat ng pulisya.

Sa ulat ng NDRRMC, sa mga naitalang namatay, pito sa kanila ay nalunod, 3 ang natusta sa sunog, isa ang maritime incident at dalawa sa vehicular accident.

Pinakahuling naitala sa mga naging biktima ay ang pagkalunod ng isang bata matapos malunod kaninang alas-11:00 ng umaga sa bahagi ng Lulutan River, Bgy. Calamagui 1st.

Ang bata ay kinilalang si Michael Felipe, 10, ng Bgy. Baculod Ilagan Isabela.

Kasalukuyan pa rin ang retrieval operation sa katawan ng bata ng magkakasanib na puwersa ng Isabela Search and Rescue Team, Philippine Red Cross rescue team at mga opisyal at tanod ng Barangay Calamagui 1st.

Sa 50 nasaktan, 49 dito ay mula sa aksidente sa lansangan.

Samantala, umabot naman sa 1,181,048 na mga pasahero ang tumungo ng mga lalawigan nitong Semana Santa.

Kasabay ito ay nakaalerto pa rin ang NDRRMC lalo at inaasahan na simula ngayong araw hanggang bukas ay pabalik na sa Metro Manila ang mga nagsipagbakasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply