Mangudadatu 2nd richest governor sa Mindanao

INIULAT ngayon ng Office of the Deputy Ombudsman for Mindanao na lumabas sa kanilang record na nananatili sa ikalawang puwesto ng pinakamayamang gobernador si Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangundadatu.

Batay sa rekord, 18 lamang sa 27 gobernador mula sa Mindanao ang nagsumite ng kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) noong 2010.

Sa mga naghain ng SALN, nananatiling pinakamapayaman si Davao Del Norte Governor Rodolfo Del Rosario na mayroong net worth na P255.51 million.

Si Mangudadatu naman na nasa ikalawang pwesto ay may net worth na P217.25 million.

Ikatlo naman si Dinagat Island Gov. Glenda Ecleo na may net worth na  P166.40 million.

Si Davao del Sur Gov. Douglas Cagas ang iniulat na pinakamahirap o may mababang net worth.

Samantala, 27 mula sa 33 city mayors ang nagsumite ng kanilang SALN noong 2010 at  pinakamayaman si Surigao City Mayor Ernesto Matugas na may net worth na P414.69 million.

Pinakamababang nakapag-poste ng kanyang net worth ay si Digos City Mayor Joseph Penas na P605,068 million.

Pinaalalahan ng tanggapan ang deadline sa pagsusumite ng SALN para sa 2011 ay ngayong April 30, 2012.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply