Umento sa sahod sa Region 12 aprub na

NAAPRUBAHAN na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang hirit na umento sa sweldo sa Region 12.

Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, na maglalaro sa P10 hanggang P14 ang idadagdag na Cost of Living Allowance (Cola) sa mga minumum wage earner sa nasabing rehiyon na kinabibilangan ng South Cotabato, Cotabato, Koronadal, Sarangani at General Santos City

Itataas ang Cola ng mga sumusunod:

— P10.00 bawat araw para sa mga non-agriculture industry/sector;

— P8.00 bawat araw para sa mga non-agriculture industry/sector, at dagdag na P4.00 Cola kada araw (epektibo sa Disyembre 1, 2012, para sa mga nasa plantation sector) at P6.00 Cola kada araw (epektibo sa Disyembre 1, 2012, para sa mga nasa non-plantation sector);

— P6.00 kada araw naman ang idagdag sa mga nasa retail/service establishment at karagdagang P4.00 Cola bawat araw (epektibo sa Disyembre 1, 2012, sa mga establisimyentong may mahigit 10 manggagawa) at P6.00 Cola kada araw (epektibo sa Disyembre 1, 2012, para sa mga establisimyento na wala pa sa 10 ang mga manggagawa).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply