20 Vietnamese fishermen huli sa illegal fishing sa Palawan

HINDI pa man natatapos ang namumuong tensyon sa panig ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal, nasakote naman ng mga miyembro ng Philippine Navy ang 20 mangingisdang Vietnamese na iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng bayan ng Balabac, Palawan, kaninang umaga.

Ayon kay Commodore Joseph Rostom Penia, pinuno ng Philippine Navy sa lalawigan, namataan ng kanyang mga tauhang nagpapatrulya sa lugar ang mga Vietnamese national.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang nasa 20 mga buhay na pawikan na iligal na hinuli sa nabanggit na karagatan.

Samantala, ibinabyahe na ngayon patungo sa Puerto Princesa City ang nasabing mga Vietnamese national para makasuhan ng paglabag sa Section 87 ng Republic Act 8550 o Philippine Fisheries Code.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply