Ilang militanteng grupo sumugod sa US Embassy

PINAGBABATO ng pintura ng mga militanteng grupo ang US Embassy sa Maynila upang ipakita ang pagtutol sa Balikatan exercises na nakatakdang magsimula ngayong araw.

Nanguna sa protesta ang League of Filipino Students (LFS) at sinira ang mga signage doon.

Sinunog din ng mga militante ang bandila ng Estados Unidos.

Wala namang guwardiya na lumabas para pigilan ang mga nagpoprotesta.

Halos 20 minuto nang nagpoprograma ang grupo sa labas ng embahada nang dumating ang 12 pulis.

Namataan naman ang isang natutulog na pulis sa isang police mobile ng Manila Police District (MPD) sa harap ng US Embassy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply