Kelot na kumatay sa butanding nakatakas sa pulis

NAKATAKAS sa awtoridad ang isang lalaking mangingisda matapos maaktuhang kinakatay nito  ang isang butanding na napadpad sa islang bahagi ng Rapu-rapu, Albay.

Kinilala ang suspek na si Junathan Hulanon ng Barangay Carcaran, ng naturang lalawigan.

Bago ang tangkang pag-aresto, bumulaga sa mga residente at mga rumespondeng pulis ang pira-pirasong karne ng butanding na nakatakda sanang ibenta ng suspek matapos na aksidenteng mapadpad sa kanilang lugar.

Ang naturang Butanding ay may bigat na humigit kumulang sa 30 kilo at 40 pulgada ang laki.

Agad namang ipinalibing ang naturang mga karne habang nagpapatuloy ang paghahanap sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply