Mga militante sumugod sa Mendiola

SINUGOD kaninang umaga ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Kilusang Mayo Uno (KMU) ang Don Chino Roces Bridge sa Mendiola, Maynila para manawagan sa Malakanyang na itaas ang presyo ng palay at aprubahan ang petisyon sa dagdag sa sahod.

Ayon sa KMP, kulang ang P10 hangang P14 bilihan ng palay sa kanilang P18.75 kada kilong gastos sa produksyon. Kulang rin anila ang alak ng NFA na P17 bilihan ng palay.

Itinumba naman ng mga miyembro ng KMU ang barb wire sa gitna ng Don Chino Roces.

Gayunman, bigo namang makapasok sa loob ng gate 7 ng Malakanyang ang mga militante matapos harangin ng puwersa ng Manila Police District Crowd Dispersal Management Unit (MPD-CDMU).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply