43 pts. ni Pierce di umubra sa triple-double ni Anthony

BINURA ng triple-double ni Carmelo Anthony ang 43 points na tinikada ni Paul Pierce upang kaldagin ng New York Knicks ang Boston Celtics, 118-100 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Humarabas ang star player ng Knicks na si Anthony ng 35 puntos, 12 rebounds at 10 assists upang ilista ang kanyang pangalang career triple-double.

Bumakas din sa opensa ang dalawang bench players ng Knicks na sina J.R. Smith at Steve Novak na tumikada ng tig 25 pts.

”Our bench was great tonight,” sabi ni Anthony. ”Novak and JR, them guys combined for 50 points off the bench. When they get hot like that, it’s hard to deal with.”

Hindi napigilan ng Celtics ang shooters ng Knicks matapos magpaulan ang huli na 19 na 3-pointers.

”We didn’t defend the 3 at all tonight,” saad ni Celtic forward Pierce. ”We dug ourselves a huge hole that we couldn’t climb out of.”

Dahil sa panalo ng New York ay umakyat ito sa pang pitong puwesto ng Eastern Conference standings na may 32-29 panalo-talo baraha.

May posibilidad naman na malaglag sa pang-limang puwesto ng EC division ang Celtics dahil angat lang sila ng kalahating laro sa Atlanta Hawks.

Tangan ng Celtics ang 36-29 win-loss record.

Pumangalawa sa opensa ng Boston si Kevin Garnett na may binirang 20 pts., limang boards at tatlong assists.

Hindi nakapaglaro sa New York sina Jeremy Lin at Amare Stoudemire habang si Ray Allen naman ang sa Boston.

Sa ibang NBA resulta, nanaig ang Indiana Pacers laban sa Philadelphia 76ers 102-97 habang giniba ng San Antonio Spurs ang Los Angeles Lakers 112-91.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply