Pacquiao uupakan si Provodnikov

NAKATAKDANG maka-spar ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao si junior welterweight contender Ruslan Provodnikov sa darating na Lunes, (Abril 23) na gaganapin sa Shape Up boxing gym sa Naguillian Road, Baguio City.

Si Provodnikov ay isang Russian boxer na may magandang record na 21-1 (14 KOs) ang isa sa apat na binuo ni Freddie Roach para maging spar mates ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang high-altitude training.

Bukod kay Provodnikov, dalawang American boxers na galing sa California at isang Pinoy boxer ang hahasa sa bilis at lakas ni Pacquiao para mapaghandaan at magamay ang estilo ni Timothy Bradley na makakasapakan niya sa MGM Grand sa Las Vegas sa June 9.

Samantala, jogging, stretching at shadow boxing ang pangkondisyon ni Pacquiao tuwing umaga. ELECH DAWA

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply