Kaanak ng mga biktima ng Parañaque demolition dudulog sa DOJ

DUDULOG ngayon sa Department of Justice (DOJ) ang kaanak ng mga biktima ng madugong demolisyon sa Silverio Compound sa Parañaque City kahapon (Abril 23).

Kasama ng mga ito na makikipagpulong kay Justice Secretary Leila de Lima si Bayan Muna Rep. Teddy Casiño.

Hihilingin ng mga ito kay De Lima na pangunahan ng DOJ ang imbestigasyon para mapanagot ang mga responsable sa madugong demolisyon.

Naniniwala ang kaanak ng namatay na si Arnel Tolentino at ng mga nasugatan na may pananagutan sa insidente ang lokal na pamahalaan ng Parañaque at maging ang mga pulis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply