Barbers sa Senado

MUKHANG itutuloy ng batang Barbers ang ginawang paglilingkod ng kanyang ama, si Robert Barbers, sa bansa. Hindi kasi mapigilan ang dumaraming tao na nag-iindorso rito para tumakbong senador ng republika.

Kitang-kita naman sa ginawang paglilingkod ng dating kongresista at dating gobernador na si Ace Barbers ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa bayan at iyan ay pinatunayan niya sa kanyang mga panukala at batas na naipasa noon sa Kongreso.

Hindi rin matatawaran ang ginawa nitong paglilingkod na ginawa sa Surigao del Norte bilang gobernador dahil magpahanggang sa kasalukuyan ay pinakikinabangan pa rin ang kanyang mga proyekto at programa sa naturang probinsiya.

Bilang tunay na lingkod bayan, patuloy rin si Ace Barbers sa pakikipaglaban ng kanyang mga adbokasiya at isa na nga rito ang pagpapanatili ng peace and order sa bansa.

Kilala ang Barbers sa kampanya kontra krimen at ito ang kanyang gustong ipagpatuloy.

Ang kanyang ama na si Robert ay kilalang-kilala ng mga kriminal at ito ay pinatunayan ng matandang Barbers noong siya ay isa pa lamang opisyal ng Manila police at dating kalihim ng DILG.

Gusto ring ipagpatuloy ni Ace Barbers ang samahang binuo ng kanyang ama na PARAK dahil naniniwala ito sa partisipasyon ng mamamayan laban sa krimen. Marami pang adbokasiya si Ace Barbers na gustong ipaglaban at iyan ay kanyang tututukan sa sandaling mapili siya ng Nacionalista Party bilang isa sa mga pambato nito sa
Senado.

Good governance rin ang isa sa tututukan ni Manong Ace dahil noong siya ang pinuno ng committee on accounts sa Kongreso ay kanyang hinigpitan ang pagpapalabas ng pondo ng nasabing kapulungan.

Mapagmahal sa bayan at kalaban ng krimen ‘yan ang tatak Barbers na gustong ituloy ni Manong Ace dahil naniniwala siyang may pag-asa pa ang Pilipinas.

Kaya’t abangan na lang natin ang line-up ng NP dahil tiyak na bibitbitin ito ni Ace Barbers, na ngayon ay tagapagsalita ng naturang partido kasama si dating Kongresista Cynthia Villar, na asawa ng pinakamataas na pinuno ng naturang lapian na si Sen. Manny Villar.

oOo

Sa mga nagnanais ng pagkalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag-email sa barangayanni_isko@yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply