9 sundalo utas sa ambush sa Ifugao

SIYAM na sundalo ng 86th Infantry Battalion ng Philippine Army ang namatay matapos ambush-in ng grupo ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Dontogto, Barangay Tinablayan, Tinoc, Ifugao.

Nabatid na patungo sana sa Lagawe ang apat na trak na sinasakyan ng mga sundalo pagkatapos madestino sa lugar.

Habang bumibiyahe ay ikinagulat nila ang mga putok ng baril na nagmula sa mga rebelde.

Binabantayan ngayon ang bangkay ng mga namatay na sundalo sa Sitio Buma-ang, Barangay Poblacion habang dinala naman sa Lagawe General Hospital para magamot ang mga nasugatan.

Inaalam pa ang mga pangalan ng mga namatay gayundin ang bilang ng mga nasugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply