Coliform sa ilang baybaying dagat ibinabala ng DENR

NAGBABALA ngayon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko lalo na sa mga mahihilig maligo sa beach ukol sa natukalasang mataas na antas ng coliform bacteria sa ilang baybaying-dagat sa Western Visayas.

Ayon sa DENR-Region 6, ang coliform ay indikasyon na may dumi mula sa mga “warm blooded animal” na humalo na sa tubig.

Bukod pa dito,mali rin ang pagtatapon ng basura ng ilang mga nakatira malapit sa mga dagat at ilang mga establisimyento at kompanya na walang maayos na water treatment facilities.

Ang babala ng kagawaran ay matapos ng isinagawang pagsusuri ng Pollution Control Division ng Environmental Management Bureau sa ilang mga beach sa bansa.

Lumabas sa mga sinuri na siyam (9) na coastal areas sa Iloilo ang nakitaan ng mataas na kontaminasyon ng coliform.

May ilang bahagi rin ng coastal areas sa Roxas City at Boracay ay kontaminado ng nasabing bakterya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply