Kapatid ng sikat na actress, kinakaliwa ng singer-actress at host ng isang late night show

GRABE pala talaga ang kalandian, my BFFT Pete A., ng kilala nating tisay na singer-actress and host at the same time ng isang late night show sa malaking TV network. Di ba before pa ay talagang nagbibilang na ng lalaki ang said actress na ito at all mine to give rin ang kanyang drama sa mhin kaya ubos ang salapi niya na kinita noon sa pagsu-show sa Brunei?

Ngayon, kalokah ang hitad dahil may papa na itong ka live-in na kapatid ng sikat at mahusay na aktres na kalilipat lang ng istasyon, pero nakukuha pa rin niyang mangaliwa. At mabuti sana kung sa isang lalaki lang siya pumapatol pero hindi e. Iba-ibang rich guys ang kanyang pinapatulan at with pay ito. Yes, at hindi lang pang-local si nasabing singer-actress kundi kilalang-kilala rin siya ngayon ng mga bugalo na International call girl. Very much available siya at wini-welcome niya ang pagpapa-booking sa iba’t ibang bansa. Wah na clue! Baka masira pa ang diskarte ng pokpokitang aktress na eskalera ang beauty gyud!

***

Saida Diola namamahala ng PNB auditions sa Luzon, Visayas at Mindanao

YES, EB Babes member Saida Diola is back in Eat Bulaga at ito ang namamahala sa lahat ng nationwide auditions para sa PNB o Pambato ng Barangay sa Luzon, Visayas at Mindanao. Panalung-panalo ang mapipili sa inasagawawang audition sa ating mga kababaihang Dabarkads na magaling humataw sa dance floor. Yes, maliban sa daily cash prize na P15,000 at mas malaking halaga para sa weekly finals hanggang grand finals, may chance pa ang mga mananalo rito na maging certified dancers ng Eat Bulaga. Eh, karamihan sa mga contestant sa PNB walang kang itulak-kabigin dahil pare-pareho silang magagaling. Kaya hirap talaga ang mga judges kung sino sa mga ito ang talagang stand-out. At sa lahat ng forever Eat Bulaga, abangan kung sinu-sino ang magiging Pambato ng Luzon, Pambato ng Visayas at Pambato ng Mindanao sa nasabing high energy na portion na ito na napanonood natin sa Eat Bulaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply