Rayver at Cristine nasampolan na: Relasyong Angelica at Derek masisira rin kay Piolo

ISA sa dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Cristine Reyes at Rayver Cruz dahil sa pagtilam-tilam daw ng dalaga kay Piolo Pascual. Feel na feel nito ang kakisigan at kagwapuhan ng morenong aktor, at very vocal siya tungkol dito.

Kaya ang pobreng si Rayver ay todo-selos hanggang sa mag-parting of ways sila ng kanyang seksing syota. Nangyari ang lahat nang magkasama sa teleseryeng Dahil Sa Pag-ibig sina Piolo at Cristine.

Nandito naman ang panibagong eksena, kilig na kilig din si Angelica Panganiban sa leading man niyang si Piolo sa pelikulang Every Breath You Take sa direksyon ni Mae Czarina Cruz under Star Cinema at palabas sa more than 100 theaters nationwide on May 16.

Nasa TV5 ang boyfriend ni Angelica na si Derek, samantalang si Papa P. at Angelica ay laging magkasama ngayon kaya delikado talagang magkaroon ng ‘something’ sa kanilang dalawa. Hehehe!

Balita pa namang hindi raw pinagbigyan ng Kapamilya aktres ang BF nito sa ipinakiusap nitong sumunod siya sa paglipat sa Kapatid Network. Eh, s’yonga na lang kung may-I-follow siya sa Papa Derek niya, baka maging starlet siya uli sa Singko na lahat ng mga artistang may name na lumilipat doon ay nabubura ang birth certificate. Nawawalan sila ng mga name!

***

Jericho haharanahin ang mga kasambahay sa Bel-Air

IBANG klase talaga sa Bel-Air. Ang lahat ay kasali sa kasiyahan. Walang sini-sino. Katunayan, ang mga kasambahay ay may sarili ding moment at haharanahin sila ni Jericho Rosales. Maging si Kuya Kim ay magkakaroon din ng animal show.

Narito ang mga programa sa Bel-Air #1 In Fun Pasinaya 2012: Friday, May 4, 10 a.m-11 p.m. Trade Fair Perya; 7-11 p.m Gabi ng Kasambahay with Jericho Rosales/Saturday, May 5, 7-9 a.m Marching of The bands; 8-11 a.m Free kalesa Ride; 8 a.m-11 p.m Vigan/Ilocos Trade Fair, Perya; 8:30-9:30 a.m Opening Prayer by Msgr. Dennis Odiver/Parade of Colors/Philippine National Anthem/Ribbon Cutting Ceremony/Blessing of Pasinaya Venue and New Barangay Structures; 9:30-10:30 a.m. Salu-Salong Agahan by Kusinerong Pinoy; 9:30-11:30 a.m Children’s Treat-Mas Masaya Maging Bata sa Bel-Air-Clowns, Yoyo Exhibition, Jugglers, Photo Booth, Face Painting, Nail Art and many more; 11:30 a.m.-12:30 p.m. The Company, 2 p.m-4 p.m. Group Dance Competition, 4-6 p.m Manila Cultural Arts and Dance Foundation, 6:30-7:30 p.m Pustura Pasinaya with Plains and Prints and Folded and Hung, 8:30-10:30 p.m. Rockeoke. Food booths open from 10 a.m. to 11 p.m/Sunday, May 6, 8-11 a.m. Free Kalesa Ride, 9:30-10:30 a.m. Sunday Mass, 10:30-11:30 a.m. Animal Show with Kuya Kim, 11:30-12:30 a.m. Bituin Escalante, 2-5 p.m. Pabinggo ni Mayor Jun Binay, 7 a.m-9 p.m Bel-Air #1 In Fun-Pasinaya 2012, 9-11 p.m. dance Time with Soulid Band.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply