15-anyos bagets nabuntis ng BF, nagdemanda

NAGREKLAMO sa tanggapan ng Manila Police District-Women and Children Protection kasama ng kanyang magulang ang 15-anyos na dalagita matapos mabuntis at iwan ng kanyang kasintahan.

Ayon sa biktimang si Gina, di tunay na pangalan, bigla na lamang naglaho na parang bula ang nobyo nito na si Giovani Calabroso, 27, tubong Zamboanga del Sur.

Si Calabroso ay nagtatrabaho bilang merchandiser sa Puregold, Pritil branch.

Nabatid na matapos mabuntis ang biktima na ngayon ay dalawang buwan nang nagdadalantao ay bigla na lamang itong iniwan ng kasintahan dahilan para magreklamo sa pulisya at sampahan si Calabroso ng kasong abduction.

Sa pahayag ng ina ng biktima, pumapayag naman silang makisama ang kanyang anak kay Calabroso upang panagutan ang dinadala nito ngunit nagulat sila nang bigla na lamang naglahong parang bola ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply