15 bahay inanod sa flashflood sa Davao

MULING nakaranas ng flashflood ang bayan ng Santa Cruz, Davao del Sur bunsod ng malakas na ulan kung saan 15 kabahayan ang inanod.

Nabatid na dakong alas-11:00 ng kagabi nang binaha ang Barangay Zone 4 sa riverside area ng nasabing bayan.

Biglaan ang naging baha ngunit wala namang naitalang casualty sa pangayayari.

Samantala, tiniyak naman ni Santa Cruz Mayor Joel Rey Lopez na ire-relocate ang mga biktima upang hindi malagay muli sa panganib ang kanilang buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply