16-anyos utas sa boga ng tatagaing sekyu

PATAY ang 16-anyos na binatilyo nang barilin ng security guard na tangkang tagain ng bolo ng una matapos siyang sitahin sa pagnanakaw ng mga scrap metal at ilang mga bakal sa isang bakanteng lote sa loob ng subdivision na binabantayan ng huli Las Piñas City kahapon, Abril 18.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Muntinlupa si Gelacio Gagarin Jr., out of school youth, ng Blk 19, Lot 03, Gadiola St., Open Space, TS Cruz Subdivision Almanza Dos, sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Kusang loob naman na sumuko sa pulisya ang suspek na si Albino Luching, 35, security guard ng Striker Security Agency at nakatalaga sa TS Cruz Subdividion.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Crisando Calalay ng Las Piñas police, alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa Jasmin St., Dulo Kaliwa, TS Cruz Subdivision.

Nauna rito, nagsasagawa ng roving inspection ang suspek sa loob ng naturang subdivision nang maaktuhan nitong nagnanakaw ang biktima kaya agad niyang sinita.

Imbes na sumuko ay mabilis na tumakbo papalayo ang biktima bitbit ang mga ninakaw na bakal kaya hinabol siya ng suspek.

Nang mag-warning shot ang suspek ay bilang balik ng biktima bitbit ang bolo at tangkang tagain ang una dahilan para barilin siya ni Luching.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply