16 SWAT members iniimbestigahan na

INIIMBESTIGAHAN na ng Southern Police District (SPD) ang 16 miyembro ng Special Weapons and Tactics unit (SWAT) na namaril sa gitna ng naganap na karahasan sa demolisyon sa Silverio Compound sa Parañaque City kahapon.

Sa ipinadalang mensahe ni SPD spokesman, Chief Insp. Jenny Tecson, dinisarmahan na ang 16 tauhan ng Parañaque SWAT at inilagay sa “restriction” habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang grupo ni P/Sr. Supt. Rolando Asuncion, hepe ng District Investigation and Detection Unit.

Inatasan ni SPD Director, Chief Supt. Benito Estipona si Asuncion na alamin ang tunay na naganap sa insidente at kung ano ang dahilan kung bakit napilitan na magpaputok ang mga miyembro ng SWAT.

“Should this personnel be found later on to be negligent, appropriate charges will be filed against them, administratively and criminally,” ayon pa sa mensahe ni Tecson.

Samantala, kinasuhan na rin ng Parañaque City Police ang 29 na naaresto sa naturang demolisyon.

Ani P/Chief Insp. Enrique Sy, kabilang sa kasong kanilang isinampa sa mga naaresto ay ang alarm and scandal at paglabag sa Articles 153 at 154 o ang Resistance and Disobedience Subversion in Authority.

Itinanggi rin ni Parañaque Police chief, Sr. Supt. Billy Beltran ang iginigiit ng mga residente at militante na apat sa kanilang hanay ang namatay.  Tanging si Arnel Tolentino pa lamang umano ang kumpirmadong binawian ng buhay kung saan isinasailalim na sa awtopsiya ang labi nito upang makumpirma ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Inamin din ni Beltran na bukod sa empty bullets, gumamit din ang ilang miyembro ng kanilang SWAT unit ng live bullets.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply