17-30 taong kulong, hatol kay Raymond Dominguez

MAKUKULONG ng 17 hanggang 30 taon si Raymond Dominguez. Ito ang naging hatol sa kanya ng korte ngayon kaugnay sa carnapping case na kinasasangkutan nito.

Ayon sa ulat, agad ipinag-utos ni Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 84 Judge Wilfredo T. Nieves na ipiit si Dominguez sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Si Raymond ang utak ng Dominguez Brothers, na may pakana sa serye ng carnapping sa Metro Manila.

Maliban sa carnapping case, hinarap din ni Raymond Dominguez ang kasong robbery subalit ibinasura ito ng korte.

Inaasahan na ng prosekusyon na aapela ang kampo ni Dominguez sa Court of Appeals.

Nahaharap din si Dominguez sa kasong pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista at Emerson Lozano noong 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply