17-anyos tigok sa rumaragasang trak

PATAY ang isang 17-anyos na hinihinalang bading nang masagasaan ng rumaragasang trak sa Sta. Cruz, Maynila kaninang madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital ang biktimang si Kenneth Garcia, high school student ng Sta.Cruz, Maynila dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Sa report ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPDTEU), dakong 1:30 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa kanto ng Dimasalang at Becerra St. Sta.Cruz, Maynila.

Ilang saksi naman ang nagsasabing hinahabol ang biktima ng ilang kalalakihan at sa pagtakbo nito ay nabundol naman ng rumaragasang trak (RJK-146).

Hindi naman huminto ang drayber ng trak.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply