17 sugatan sa tumagilid na dyip sa La Union

TINATAYANG 17 katao ang nasugatan makaraang tumagilid ang kanilang sinasakyang pampasaherong dyip sa national highway sa Barangay Madayegdeg, San Fernando, La Union.

Nabatid na bigla na lamang umanong pumutok ang gulong ng dyip na minamaneho ni Crispin Bauing, 42, ng Central Pico, La Trinidad, Benguet habang nasa kalagitnaan ng kanyang pag-overtake sa sinusundang sasakyan sa nasabing kalsada kung kaya tumagilid ito.

Dahil dito, nagtamo ng minor injuries sa kanilang katawan ang 17 mga sakay mula sa 34 na pasahero.

Kaagad namang isinugod sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang mga sugatan upang malapatan ng lunas.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa insidente

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply