18-anyos pinasabog ang ulo, dedo

SABOG ang ulo ng isang 18-anyos na out of school youth matapos itong patraydor na binaril ng hindi nakilalang suspek na hinihinalang kaalitan nito sa Baseco,Tondo, Maynila, kagabi (Abril 29)

Idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na si Carlito Fortes Levrilia, ng Block 6 ng nasabing lugar.

Nakatakas naman ang suspek na nailarawan lamang na nakasuot ng kulay itim na jacket at armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril.

Sa report ni SPO2 Ronald Gallo, imbestigador ng MPD-Homicide Section na dakong alas-10:10 kagabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Aplaya, Baseco.

Nauna rito, nakaupo ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa may sea wall sa kahabaan ng Aplaya nang bigla silang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Sa takot ay mabilis na nagtakbuhan ang mga kaibigan ng biktima ng makarinig ng putok.

Mabilis namang tumakas ang suspek habang naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit namatay din ito.

Dinala sa St. Yvan ang labi ni Levrilia upang isailalim sa autopsy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply