Rotating brownout sa Mindanao tuloy

TULOY ang pagpapairal ng rotating brownout mula dalawa hanggang tatlong oras bawat araw sa ilang bahagi ng Mindanao kahit pa maaayos na ang Pulangi 4 hydropower plant sa susunod na buwan.

Ito ang kinumpirma ni Energy Usec. Josefina Patricia Asirit dahil unti-unti pa nilang lulunasan ang umiiral na krisis ng suplay ng kuryente sa lugar.

Sa ulat, inaasahang matatapos ang pagkumpuni sa Pulangi hydropower plant sa Mayo 17, isang buwan nang itigil ang operasyon nito.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply