2 bandera ng China sinunog ni Abner Afuang

SINUNOG ng dating pulis at ngayon ay mamamahayag na si Abner Afuang ang dalawang bandera ng China sa harap ng Chinese Consular Office sa Buendia Avenue, Makati City kanina.

Ang pagsusunog ng bandila ng dating Makati police na si Afuang ay bunsod ng nagaganap na iringan sa pagitan ng China at Pilipinas sa pinag-aagawang Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Mariing ipinahayag ni  Afuang na walang Filipinong duwag at ito ang mensaheng nais niyang iparating sa buong mundo.

Si Afuang ay tinaguriang “flag burner” noong dekada 90 hanggang taong 2000 dahil sa pagsusunog nito ng bandila ng mga bansang ipinoprotesta nito.

Huli nitong sinunog ang bandila ng Malaysia noong 2002 kaugnay naman sa isyu ng pag-aagawan ng Pilipinas at Malaysia sa Sabah.

Si Afuang din ang nagbuhos ng tubig kay Hayden Kho sa ginaganap pagdinig sa reklamo ni Katrina Halili sa Senado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply