2 bangkay lumutang sa Camarines Sur

DALAWANG naaagnas na bangkay ang panibagong natagpuan habang nagpapalutang-lutang sa Camarines Sur.

Unang natagpuan ang bangkay ng isang babae na pinaniniwalaang nasa dalawang linggo nang nagpapalutang-lutang sa karagatan, na naka-short na  itim, shirt na pula, tinatayang nasa 40 hanggang 55-anyos.

Sumunod na natagpuan ang 2-anyos na babae na nalunod sa San Francisco River sa Iriga City.

Nabatid na kahapon pa ng alas-3:00 nang iniulat na nawawala si Isabel Magistrado Villanueva, hanggang matagpuan ang bangkay nito sa nasabing ilog.

Hinala ng awtoridad na biktima ng sama ng panahon ang dalawa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply