2 bangkay natagpuan

DALAWANG bangkay ng lalaki ang natagpuang kapwa pinagtataga sa mukha ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Santol, Tanza, Cavite kaninang umaga, Abril 15.

Nakilala ang mga biktima na sina Gary Silva, may edad 20 haganggang 25; at isang nakilala lamang sa pangalang Ronilo, 23-27, kapwa tubong Ilo-Ilo at mga empleyado ng Mark Jom Claude Trading sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ng mga residente ng lugar ang magkatabing bangkay ng mga biktima sa may water irrigation ng bukid.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulsya kung may nakaalitan ang mga ito at sa pagkakakilanlan sa mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply