3 katao lasog sa bus bombing sa Cotabato

TATLO katao ang namatay, kabilang ang dalawang babae, habang limang iba pa ang malubhang nasugatan nang sumambulat ang bombang itinanim sa cargo compartment ng isang passenger bus sa Carmen North Cotabato sa ulat ng militar ngayon.

Sa pagkumpirma ni 7th Infantry Battalion Commander Col Benjie Hao, naganap ang pagsabog ng improvised explosive devise sa Rural Transit bus na may body number 2922 at may plate number na KVS 740 na nagmula sa Tacurong City at patungo sana ng Cagayan de Oro City kaninang  alas 10:25.

Kinilala ni AFP Eastern Mindanao Command spokesman Col. Leopoldo Galon ang mga namatay na sina Annalyn Sioco, 33, mula Malanduage, Kabacan  at Rona Mae Causing ng Bukidnon.

Sugatan naman sina Denia Causing Allan Hampiso 36, at anak na anim na taong gulang ng Magpet Cotabato, Janel Cosca, 11, mula Bukidnon at isa panmg hindi nakikilalang sugatan.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa pinakabagong roadside bombing.

Inaalam din ng pulisya kung anong uri ng bomba ang sumabog upang matukoy ang tinatawag na signature bomb.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply