2 beses tangkang nag-suicide, natuluyan

SA ikatlong pagkakataon ay nabawian ng buhay ang isang construction worker nang hindi na mapigilan ang kanyang pagpapakamatay sa loob ng banyo ng kanyang bahay sa Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Danilo Hardenas, 31.

Sa imbestigasyon, mula sa pakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kamag-anak nang magpaalam sa kanyang kinakasama na maliligo muna.

Ilang oras pa ay hindi na lumabas ng banyo ang biktima dahilan para pasukin na siya ng ka-live-in na si Elizabeth Libunan at naabutang nakabitin na gamit ang nylon cord.

Lumalabas na dalawang beses nang tangkang mag-suicide ng biktima ngunit laging napipigilan ng kanyang ka-live-in.

Walan namang ideya si Elizabeth bakit nagpatiwakal ang kanyang kinakasama.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply