2 carnapper, 2 parak, sibilyan utas sa engkwentro

PAWANG tumihaya sa kalsada ang dalawang pulis, dalawang carnapper at isang sibilyan na nadamay nang magbarilan ang dalawang mahigpit na magkalabang grupo sa Koronadal City, kagabi (Abril 15).

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina SP01 Robert Ramos Muega at isang confidential agent na si Alfredo Delivas Suegay at ang bystander na si Christopher Calderon.

Patay din kaagad dahil sa tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawa sa mga suspek na sina Rollie Mamangcas at si Ronnie Mangudadatu, na sinasabing kamag-anak ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-7:15 kagabi sa Purok Waling-Waling sa Barangay New Pangasinan, Koronadal City.

Bago ito, nagkakasa ng steak-out-operation ang mga tauhan ng Intelligence branch ng South Cotabato Provincial Police Office (SCPPO) matapos ma-monitor ang paglabas ng mga suspek sa lugar.

Pero nang parahin ng pulisya ang isang Badja motorcycle (4581-MD) na sinasakyan ng mga suspek ay agad na binaril sina Muega at Suegay.

Bagamat kapwa sugatan ay nakaganti pa ng putok ang dalawang pulis at tinamaan sina Mamangcas at Mangudadatu.

Sa palitan ng putok, tinamaan ng ligaw na bala si Calderon na kanyang ikinamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply