2 Chinese vessels pa nasa Scarborough Shoal na

TODO-BANTAY na naman ang Philippine Coast Guard makaraang dalawang Chinese vessel na naman ang muling pumasok sa Scarborough Shoal, sa gitna ng standoff sa dalawang bansa.

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez.

Ayon sa kalihim, sa ngayon ay patuloy na binabantayan ng mga barko ng Coast Guard ang aktibidad ng nasabing mga sasakyang-pandagat ng China.

Sa kaugnay na balita, tuloy naman ang paghihintay sa tugon ng Chinese government sa imbitasyon ng Pilipinas na idulog na ang isyu sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) para doon pag-usapan ang problema.

Anang DFA, ang nasabing hakbang ay para matuldukan na ang isyu kung sino ang tunay na may soberenya sa mga karagatang nasa paligid ng Scarborough Shoal at bahagi ng West Philippine Sea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply