2 dedo, 7 pa naospital sa nilantakang butete

DALAWANG mangingisda ang namatay habang pito pa ang nasa ospital makaraang malason sa kinaing butete sa Sagay City, Negros Occidental kaninang madaling araw.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima nang makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga ito matapos gawing pulutan ang butete.

Idineklarang dead on arrival ang mga biktima na sina Francisco Mapalo at Romulo Celeste sa Lopez District Hospital habang ginagamot pa rin ang pito pang biktima, kabilang na ang isang buntis at tatlong bata.

Matagal nang ipinagbabawal ang pagkain ng butete ngunit hilig pa rin itong kainin ng mga residente sa nasabing lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply