2 eroplano nagkasagian ng pakpak sa Palawan

NAGKAABERYA sa Puerto Princesa International Airport sa Palawan kanina matapos magkasagian ng pakpak ang dalawang eroplano na may biyaheng pabalik sa Manila.

Ang nagkabanggaan na eroplano ay ang Zest Air Philippines at Cebu Pacific.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokeswoman Joy Songsong, nasagi ng eroplano ng Cebu Pacific Flight 5J-640 na palabas ng gate ang nakahimpil na eroplano ng Zest Air Philippines.

Ang eroplano ng Zest Air Flight 421 ay nakatakda sanang bumiyahe patungong Manila ngunit dahil sa sira sa pakpak nito ay agad nag-request ang kompanya ng rescue aircraft.

Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply