2 holdaper utas sa engkwentro sa Maynila

DEDO ang dalawang holdaper nang makaengkwentro nila ang mga awtoridad sa Quezon bridge (south bound) sa Quiapo, Maynila, kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat, sumakay ng dyip ang dalawang holdaper sa may bahagi ng Isetann Recto at pagdating sa tapat ng Quiapo Church ay nagdeklara ng holdap.

Agad na rumesponde ang mga parak sa lugar at nauwi sa barilan hanggang sa mapatay ang dalawang holdaper.

Narekober ng pulisya ang granada ng mga holdaper, na nahulog sa kalsada ngunit hindi naman sumabog.

Nakuha rin ng awtoridad ang isang revolver at gayundin ang mga gamit na ninakaw sa mga pasahero ng dyip.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga napatay na holdaper.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply