2 IED sumabog sa N. Cotabato

HINIHINALANG ang New People’s Army ang siyang responsable sa pagpapasabog sa dalawang improvised explosive device (IED) sa Brgy. San Mateo Kidapawan City, North Cotabato kaninang umaga, Abril 1.

Bandang alas-6:25 kaninang umaga nang sumabog ang naturang IED na sinasabing gawa sa landmine.

Napag-alaman na target sana ng pagsabog ang 6×6 truck kung saan lulan si 1/Lt. Manuel Gatus ng 57th Infantry Battalion.

Masuwerte namang walang nasugatan na mga sundalo at sibilyan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply