2 Koreano nabiktima ng hulidap sa Maynila

DUMULOG sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang dalawang Korean national matapos na sitahin at isakay sa mobile car ng dalawang nagpakilalang pulis sa Mabini, Maynila.

Sa reklamo ng mga biktimang sina Jun Hoo Yee, 47 at Sun Kyun Baek, 40, kapwa nanunuluyan sa Contara Hotel, Mabini, Maynila, naglalakad sila sa kahabaan ng Mabini kahapon (Abril 8) nang pagtapat nila sa Aloha Hotel ay hinintuan sila ng isang mobile car na kulay puti.

Ayon sa mga biktima, sinita sila at pilit na isinakay ng dalawang unipormadong pulis.

Habang nasa loob ng mobile ay tinakot umano sila na ikukulong kapag hindi sila nagbigay ng halagang P20,000.

Sa takot, agad na nagbigay ng pera ang dalawang dayuhan kaya sila pinakawalan at ibinaba sa Mabini.

Agad na nagreklamo ang mga biktima sa pulisya at nang dalhin sila sa mobile section upang makilala ang mga suspek na na noo’y nataon na may “formation” ay nabigo naman silang makilala ang nanghulidap sa kanila.

Itinanggi rin ng MPD na mga pulis-Maynila ang mga suspek dahil wala naman anilang kulay puting mobile ang MPD kundi kulay silver.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply