2 motorsiklo, dumptruck nagkarambola: 1 patay, 3 sugatan

NASAWI ang isang construction worker habang sugatan ang tatlong iba pa sa salpukan ng dump truck at dalawang motorsiklo sa Payatas Road, Quezon City.

Dead on the spot si Felix Wagan habang kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng kasamahan nitong si Delbert Pagdilangan at sugatan din si Dinega Carlos.

Nasugatan din sa aksidente si Andrei Villares na nadamay lamang ang motorsiklo sa aksidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na iniwasan ng dump truck driver na si Arthur Yacao ang nag-overtake na motorsiklo at sumalpok sa motorsiklo na sinasakyan nina Wagan, Pagdilangan at Carlos.

Nadamay sa aksidente si Villares nang sumalpok sa sumemplang na motorsiklo nina Wagan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply