2 negosyante, traffic enforcer utas sa holdaper sa Pasig

TODAS ang dalawang negosyante at isang traffic enforcer sa naganap na holdapan kanina sa isang palengke sa Pasig City.

Kinilala ang dalawang negosyanteng namatay na sina Roel Malimbang at Juanito Molina.

Malubhang nasugatan naman ang helper ng dalawang negosyante.

Sa paunang ulat, hinoldap ng tatlong suspek ang mga biktima ngunit nanlaban ang mga ito kaya pinaulanan ng bala ng mga holdaper hanggang mamatay.

Rumesponde naman agad ang isang traffic enforcer na pinagbabaril din ng mga suspek.

Nakatakas ang mga suspek ngunit sa ikinasang follow-up operation ng Pasig Police, nahuli ang isang suspek na kinilalang si Rey Rufino.

Tinutugis pa ang dalawang nakatas na holdaper.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply