2 NPA amasona lagas sa engkwentro

NALAGAS sa 10-minutong bakbakan ang dalawang New People’s Army amazons matapos maka-engkwentro ng tropa ng pamahalaan sa Lopez, Quezon kaninang umaga sa ulat ng Army official.

Ani Colonel Eduardo Año, hepe ng Army’s 201st Infantry Brigade, ang grupo ng sundalo ay nasa Sitio (sub-village) Delmark sa Barangay Sta. Catalina nang makasagupa ang may 11 communist guerillas dakong 7:50 a.m.

Tumagal aniya ng halos 10 minuto ang palitan ng putok pero biglang umatras sa iba’t bang direksyon ang grupo at iniwan ang kanilang dalawang babaeng kasamahan na kapwa wala pang pagkakakilanlan.

Wala namang nasaktan sa panig ng government forces.

Nitong nakaraang Linggo lamang, apat na rebelde ang napatay sa  Lopez town sa isa pang engkwentro laban sa government forces.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply