2 paslit patay sa butete

PATAY ang dalawang paslit habang siyam naman ngayon ang nasa pagamutan makaraang malason sa pagkain ng isdang butete sa Barangay Abad, Jumalig, Quezon.

Nabatid na tinanghalian ng pamilya Roldan ang kinunot na butete na ikinamatay nina Noriel, 2-anyos, at Julie Ann, 3.

Hindi umano tinanggalan ng atay ang naturang isda na nagtataglay ng lason.

Dahil din sa mainit na panahon, mabilis na nabubulok ang naturang isda kaya posible rin itong dahilan nang pagkalason ng mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply