2 patay, 1 sugatan sa ratratan sa Valenzuela

DALAWA ang patay, habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos tamaan ng mga ligaw na bala mula sa  tatlong salarin na hinihinalang mga bangang sa droga  sa naganap na kaguluhan kaninang madaling-araw, sa Northvelle Subdivision, Canumay Valenzuela City.

Dead on arrival  sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng improvise shotgun sina Vanjie Garcia at John Joseph Nordan, pawang ng Northvelle Subdivision  Canumay west, nasabing lungsod.

Patuloy namang ginagamot si  Christian Pantible, sanhi rin ng mga tama ng bala ng shotgun.

Agad namang naaresto ang dalawang suspek na Jay-Ar Alcantara at Rodelio Contero, habang nakatakas ang mastermind na si Arvin Siervo.

Sa imbestigasyon, ala-1:00 ng madaling-araw kanina nang maganap ang kaguluhan sa nasabing subdivision.

Dahil dito ay lumabas ng bahay si Vangie para alamin ang komosyon sa tapat ng kanyang bahay nang tamaan siya ng ligaw na  bala ng shotgun, habang si John Joseph naman ay una nang bumulagta na sinundan ni Christian.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang ugat sa barilan at sino ang kaawan ng mga nadakip na suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply