2 patay, 4 sugatan sa bakbakan sa Compostela

UTAS ang dalawang katao, habang apat ang sugatan matapos ang pamamaril ng tatlong lalaki sa Brgy. Tamyaw, Compostela, Cebu.

Kasama sa naitalang namatay ang asawa ng barangay chairman na si Marieto Ariola, 46, at isang Marilou Mahinay, 33, sugatan naman ang konsehal ng barangay na si Alalia Talingting, Joy delos Reyes, 32, Jaime Patiño, 38, at 13-anyos na nagpapagamot sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na habang nanonood ng variety show ang mga biktima dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng kanilang fiesta, bigla na lang namaril ang tatlong katao kung saan puntirya ang asawa ng barangay kapitan.

Mabilis na tumakbo palayo ang mga suspek, ngunit nadakip ng mga pulis ang isa sa kanila na kinilalang si Marci Ponce, 36.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng mga salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply