2 preso sa Surigao del Sur jail nakapuga

TINUTUGIS na ngayon (Abril 23) ng pulisya ang dalawang kilabot na preso na nakapuga sa Surigao del Sur jail nitong kahapon (Abril 22).

Sinabi ng Tandag City Police Station na ang mga presong sina Joebert ‘Ondo’ Perez,  33-anyos at Babring Tejero, 25-anyos na kapwa may kasong kidnapping at serious illegal detention ang ‘subject’ ngayon ng mga tracker police teams na binuo para maibalik sa lalong madaling panahon ang dalawa sa kulungan.

Naniniwala rin ang pulisya na hindi pa masyadong nakalalayo sina Perez at Tejero kaya puspusan ang ikinakasang pagtugis sa mga ito.

Kasabay nito, pinag-iingat na rin ng pulisya ang publiko dahil kilala ang dalawang pugante na handang mamatay at pumatay kung kinakailangan.

Hiniling na rin ng pulisya sa pubiko na ipagbigay-alam agad sa kanila kung namataan sa kanilang lugar sina Perez at Tejero.

Kahapon ng madaling araw, nakatakas ang dalawang kilabot ng preso matapos lagariin ng hacksaw ang bakal na rehas sa likod na bahagi ng kanilang selda.

Nabatid din na ang dalawa ay umakyat sa concrete perimeter fence na malapit sa visiting area at saka tumalon sa labas nang hindi napapansin ng mga naka-duty na jail guard.

Nadiskubre ang insidente dakong alas-7:00 na ng umaga sa isinagawang head count.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply