2 putol na braso napulot sa Sauyo, Batasan

DALAWANG putol na braso at binti ng tao ang napulot sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City kanina.

Nabatid na ang nasabing chop-chop na katawan ay nakasilid sa itim na garbage bag, napulot ng isang Calixto Alberto sa Saturnina St., sa Sauyo.

Nakuha naman ng isang Romulo Ecat ang binti ng tao na may tattoo na “Boogie Ventura” sa San Mateo Road, Barangay Batasan Hills.

Hinala naman ng pulisya na sa iisang tao lamang ang napulot na mga putol na katawan, sinasabing biktima ng salvaging.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply