2 salvage victim napulot sa Navotas City

MAGKATABI nang matagpuan ang bangkay ng dalawang hindi pa kilalang lalaki na hinihinalang sinalvage sa bangketa sa Navotas, kaninang umaga.

Inilarawan ang mga biktima na nasa edad 30-35, nakasuot ng itim na t-shirt, stripe short pants, may tattoo sa kaliwang braso na ‘tag-life’ at may tattoo rin sa likod na ‘Pol Salgada, Evelyn Darwin Sawaldi’ at rosary sa leeg.

Habang ang isa pang biktima ay nakasuot ng green na t-shirt at puting short pants, may tattoo sa likod na ‘Demonyo’ at kaliwang braso at may tatak na ‘alvin 26’, pawang may mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, alas 6:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima na nakabalandra sa may gutter sa kahabaan ng R-10 Sitio Puting Bato, Navotas City ng ilang nagdadaan na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Lumalabas na sa ibang lugar pinatay ang mga biktima bago itinapon sa nasabing lugar kung saan nag-iimbestiga na ang mga pulis hinggil sa insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply