2 sasakyan ng Taiwanese sinunog sa Davao

PINAGHAHANAP na ng pulisya ang limang armadong lalaki na sinasabing miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang sunugin ang dalawang sasakyan ng isang Taiwanese national sa davao Oriental.

Nabatid na sinunog ang sasakyan ng Taiwanese businessman sa Banay-Banay, Davao Oriental nitong nakalipas na Linggo, may-ari ng SL Agri-tech Corporation.

Pagdating sa Barangay Mahayag, Banay-Banay, pinababa ang driver at sinunog naman ang pangalawang sasakyan.

Dahil sa pagkasunog hindi na magagamit pa ang dalawang sasakyan na pati makina ay sira na rin.

Naniniwala ang police at militar na may kaugnayan sa pangingikil ang nasabing insidente.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply