2 singer, 9 army utas sa ambush sa Mt. Province

UMABOT sa 11 katao ang namatay, kabilang ang dalawang opisyal ng militar at dalawang miyembro ng isang musical band ayon sa sketchy report ng awtoridad sa Ifugao Mountain Province kaninang umaga.

Ayon kay M/Gen Rommel Gomez, commander ng Philippine Army 5th Infantry  Division, naganap ang pananambang alas-7:15 ng umaga sa Sitio Dontogto, Barangay Tinablayan, Tinoc, Ifugao.

Base sa sketchy report na ibinahagi ni Gomez, kabilang sa mga namatay ang mga miyembro ng 86th Infantry Battalion.

Nabatid na patungo sa Lagawe ang tatlong trak na sinasakyan ng mga sundalo pagkatapos ng  turn-over o pagpalit sa kanila ng ibang kasamahan na maidedestino sa nasabing lugar.

Habang binabaybay ng military convoy ang lugar, kabilang ang sinasakyan ni Col. Eugene Batara, 86th  Battalion commander nang madaan sila sa isang dirt road at magulat nang sabay-sabay na putok ng baril na nagmula sa mga rebeldeng grupo ang unang humagip sa driver ng unang military truck kaya bumaligtad ito.

Sa impormasyong ibinahagi ni Army Col. Miguel Puyao, Civil Military Operations officer, 5th infantry division, kinilala ang mga namatay na sina Capt. Kafilas, operation officer ni Batara, Sgt. Torres, Cpl. Lazaro, Pcf  Salud, Pfc. Lakitero, Pfc. Veloria, Pfc Dawaton, Pfc David at Pfc Naliw.

Ang dalawang sibilyan naman na sinasabing mga singer at kagrupo ng inarkilang banda ay kinilalang sina Mrs. Labug at Mr. dela Cruz.

Kabilang din sa iniulat na sugatan sa pananambang ay sina 2lt Labapyes, Pfc Lopez at Pcf Sanadan.

Sa ngayon ay nasa punong himpilan na sa Gamu Isabela  ang mga bangkay na nakatakdang ilipad patungong Buma-ang, Barangay Poblacion, Tinoc, Ifugao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply