2 suspek sa Robinsons mall holdup na-inquest na

SUMALANG na kaninang umaga sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang suspek sa panghoholdap sa isang pawnshop sa Robinson’s mall sa Ortigas, Quezon City noong Marso 29.

Dinala ng Quezon City Police District-Crime Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang mga suspek na sina Ereno Dela Cruz at Willy Enriquez na naaresto sa Iloilo nitong Lunes (Abril 16) dahil sa illegal possession of firearms.

Ayon kay Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng QCPD-CIDU, inaayos pa nila ang kaso laban kina Dela Cruz at Enriquez kaugnay sa naturang panghoholdap kung saan isa ang namatay at anim ang nasugatan.

Inamin naman ni Enriquez na sangkot siya sa holdapan sa pawnshop sa Pasay City Metropoint Mall noong 2010, nahuli ng mga awtoridad at nakalaya matapos piyansahan ng isang alyas Ryan na umupa sa kanya.

Pero todo-tanggi si Enriquez na may kinalaman siya sa Robinson Galleria Mall robbery hold-up dahil maliban ngayong araw ay hindi pa aniya siya nagagawi sa Maynila matapos makalaya.

Itinanggi rin ni Dela Cruz na sangkot siya sa holdapan sa mall dahil ito pa lang aniya ang unang beses na nakarating siya sa Maynila matapos dalhin ng mga pulis.

Kasabay ng pag-inquest, hiniling ng QCPD na isailalim muna sa kanilang kustodiya ang dalawang suspek habang inihahanda pa ang kaso laban sa mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply