2 taxi, 3 bisikleta nagkarambola sa Kyusi: 2 sugatan

SUGATAN ang dalawang katao makaraang magkarambola ang dalawang taxi at tatlong bisikleta sa Quezon City.

Ayon sa inisyal na ulat, sinasabing mabilis ang takbo ng JRA taxi na may plakang TXJ-329 at minamaneho ni Ignacio Santos kaya humampas sa Panatag Taxi na may plakang UVC 324 na minamaneho naman ni Jon Tomada sa 11th Jamboree Street malapit sa kanto ng Kamuning Road.

Nadamay naman ang tatlong bisikleta sa naturang insidente habang nagkayupi-yupi ang dalawang taxi dahil sa lakas ng banggaan.

Isinugod na sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang mga sugatan habang iniimbestigahan pa ang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply